BOMBO DAGUPAN- Dahil umano sa jet lag.

Ito ang naging dahilan ni US President Joe Biden sa kaniyang hindi magandang performance sa nakaraang Presidentail debate laban kay dating US President Donald Trump.

Binigyang linaw ng presidente na hindi umano ito pagpapalusot kundi pagpapaliwanag.

--Ads--

Noong nakaraang June 15 pa nakabalik si Biden, 2 linggo bago ang naturang debate noong June 27.

Matatandaan na nahirapan si Biden na sagutin ang ilang bato sa kaniya sa debate noong nakaraang huwebes.