DAGUPAN CITY- Hindi na namamalayan umano ng mga Pilipino na nakakaapekto na sa kani-kanilang buhay ang lifestyle na nakakasanayan.

Ito ang naging sentimyento ni Dr. Via Roderos, represenative ng Healthy Philippines Alliance, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, may kaugnayan na sa Ischemic Heart Diseases ang mga hindi magagandang kasanayan sa kalusugan ng mga Pilipino.

Kung hindi ito maagapan ng mas maayos at magandang pamumuhay, kabilang na ang tamang pagdieta, ay maaari itong mauwi sa kamatayan.

--Ads--

Nagkakaroon kase aniya ng pagbara sa ugat na nagsusuplay ng dugo sa puso. Kasunod na nito ang pakawala ng oxygen sa puso na siyang papatay naman sa mga cells nito na nagiging sanhi naman ng Heart Attack.

Kaugnay nito, kadalasang sintomas umano nito ay ang hirap sa paghinga subalit nakakabahala lamang na hindi ito minsan nagpapakita ng sintomas at huli nang nalalaman na may lumalalang sakit na pala sa puso.

Kaya importante aniya ang may regular na pagpapacheck up upang maging may alam sa hindi nakikitang iniindang sakit ng katawan.

At kung mayroon namang maintainance, importante din itong iniinom sa tamang oras upang makaiwas sa paglala ng iniindang sakit. Maaari aniya kase itong mauwi pa sa hindi inaasahang stroke.

Samantala, pagpapaalala naman ni Dr. Roderos, maaaring magpakonsulta sa mga Barangay Health Centers o Rural Health Units sapagkat libre lamang ito.

Maliban sa libreng konsultasyon, nagbibigay din ng libreng maintainance na buwan buwan makukuha.