DAGUPAN CITY- Hindi bababa sa walo (8) barangay ng Dagupan City ang nakikita ng City Disater Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na maaapektuhan ng tsunami sakaling yanigin ng Magnitude 8.0 ang Manila Trench.

Ayon kay Ronald De Guzman, Head ng nasabing tanggapan, pasok sa red zone o ang labis na maaapektuhan ang mga Barangay na Bonuan Binloc, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Pugaro Suit, Salapingao, Lomboy, Calmay, at Pantal.

Aniya, maaaring makaranas ang mga ito ng umaabot na 17 meters wave height.

--Ads--

Mababawasan naman ito sa bahagi ng Barangay Poblacion Oeste, Barangay 1, Tambac, at Mamalingling.

Habang 4-3 meters wave height naman sa Barangay Malued.

Samantala sinabi ni De Guzman, na magiging problema sa coastal areas ang malakas na hangin at storm surge at walang maaaring pananggalang sa hangin.

Kaya kanilang inirerekomenda na nasa sentro ng syudad ang evacuation center dahil magiging depensa sa lakas ng hangin ang malalaking gusali.

Mungkahi rin nila na ang pagpapatatag pa ng mga gusali at gumamit ng mga materyales na kakayanin ang malakas na pagyanig at bugso ng hangin.