DAGUPAN CITY- Umabot na sa hindi bababa sa 7 bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang napipinsala ng mga cecid fly ang mga bunga ng pananim na mangga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kat Perfecto Liquiran, Spokesperson, Pangasinan Mango Farmers, aniya, kabilang dito ay ang Bugallon, Laoac, Mapandan, Mangaldan, San Jacinto,
Aniya, maswerte na lamang kung aabot pa sa 50% ang kaniyang mapipitas na mga bunga.
Wala rin naman aniya sila magawa dahil hindi pa maaaring balutin ang mga maliliit na bunga.
Makakaapekto rin naman sa paglaki ng bunga kapag ito ay binalutan agad nang wala pa sa hustong yugot.
Umaasa silang makakabawi na mula sa pagkalugi matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo noong 2025, subalit, inatake naman sila ng mga cecid fly sa unang buwan ng 2026.
Binigyan halaga naman ni Liquiran ang aktibong pagmonitor sa mga pananim para makapagsagawa ng agarang pag-spray sa oras na makitaan ng cecid fly.
Samantala, aniya, stable pa rin ang presyo ng mangga sa merkado.










