BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 6 na katao ang nasawi matapos maglunsad ang Russia ng malawakang pag-atake sa Ukraine kung saan labis na napinsala ang ilang power at water supplies.

Ayon kay Ukranian President Volodymyr Zelensky na naglunsad ang Russia ng higit 100 missiles at halos 100 drones.

Kabilang ang Kyiv sa nasabing pagpapasabog sa ilang mga syudad kahapon. Halos kalahati umano ng rehiyon ay inatake sa pamamagitan ng missiles at drones.

--Ads--

Naitala ng mga otoridad sa Zaporizhzhia, Lutsk, Kharkiv, Zhytomyr at Dnipropetrovsk regions ang nasawi sa malawak na air raid.

Kinompirma naman ng Russia ang kanilang pag-target sa energy infrastructures ng Ukraine at anila, natamaan nila lahat ng kanilang target.

Hinikayat naman ang mga sibilyan na manatili sa kanilang shelter habang nasa ilalim ng air red alert ang kanilang bansa.