Nag-iwan ng hindi bababa sa 59 nasawi at higit 155 na sugatan ang pagsiklab ng sunog sa isang nightclub sa North Macedonia, bansa sa southeastern Europe.
Naganap ang pagsiklab ng sunog sa Pulse Club sa bayan ng Kocani kung saan dinaluhan ng 1,500 katao ang concert ng DNK, kilalang hip-hop duo sa bansa.
Nagsimula ang sunog nag magkaroon ng spark mula mga pyrotechnic devices na tumatama sa ceiling. Wari umano ito sa nakasusunog na materyales.
--Ads--
Ikinalungkot naman ni Prime Minister Hristijan Mickoski ang insidente na ikinasawi ng maraming kabataan.
Inilabas naman ang arrest warrant sa apat na katao subalit hindi pa ito binibigyan ng detalye.
Nakadetine naman ang club owner dahil sa pangyayari.