Hindi bababa sa 51 minero ang nasawi habang 20 naman ang sugatan sa pagsabog ng isang minahan sa South Khorasan Province, eastern Iran dahil sa gas leak.

Ayon kay South Khorasan Governor Javad Ghenaatzadeh, nasa 69 ang bilang ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa Madanjoo mine nang maganap ang pagsabog.

Hindi pa malinaw kung ilan pa ang nabubuhay at natrap sa loob ng minahan.

--Ads--

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Iranian President Masoud Pezeshkian sa naiwang pamilya ng mga biktima.