BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 51 katao ang nasawi sa missile attack ng Russia sa Poltova City, sa Ukraine habang higit 200 naman ang sugatan.

Ito umano ang “deadliest single attack” sa Ukraine ngayon taon.

Kabilang sa mga natamaan na mga gusali ay ang military training institute kung saan kumpirmado din na may mga nasawing mga kawal ng Ukraine.

--Ads--

Subalit, pinabulaanan ng Ukraine ang itinala ng Russia na kabilang umano sa mga natamaan ay ang military parade sa institute.

Nakapagtala naman ang Ukranian Military ng paglunsad ng Iskander missiles mula sa Crimea.