DAGUPAN CITY–Nahukay ang hindi bababa sa limangpung piraso ng vintage na bala at pampasabog sa isang bahagi ng lupain sa Sitio Panagidan, Barangay Baro sa bayan ng Asingan.

Sa ulat ng PNP Asingan, ipinagbigay alam sakanila ni Rico Marquez dalawangpu’t isang taong gulang dakong habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagtatanim ay aksidente niyang tinamaan ang isang metal na bagay. Ipinagtaka umano nito ang naririnig na tunog habang naghuhukay .

Ayon sa mga residente dati umanong naging lagusan ang nasabing lugar ng pwersang Amerikano papuntang Nueva Ecija noong World War II.

--Ads--

Sa pag iimbestiga naman ni PPSG Explosive Ordnance Division Technician Rodel Velicaria ang mga nasabing pampasabog ay ginagamit ng “Engineering Brigade” para sa pag quarry ng mga lupa na dinadaanan ng mga sasakyan ng mga Amerikano noong World War II.

Nagpaalala naman ang Asingan PNP sa mga kababayan na agad na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may katulad na ganitong insidente upang maiwasan na makapagtala ng anumang peligro.