BOMBO DAGUPAN – Hindi bababa sa 48 katao ang nasawi sa central Nigerian state, matapos bumangga ang isang fuel tanker sa isang trak na may lulan na mga pasahero at baka, ayon sa disaster agency ng bansa.

Sinabi ng Niger State Emergency Management Agency na nangyari ang banggaan kahapon na nagdulot ng pagsabog na lumamon sa magkabilang sasakyan.

Pagbabahagi naman ng direktor-heneral ng ahensya na si Abdullahi Baba-arah, na ang mga response team ay ipinadala sa pinangyarihan ng insidente upang pamahalaan ang sitwasyon.

--Ads--

Kaugnay nito ay naipit din sa pagsabog ang ilan pang mga sasakyan.

Hindi naman bago ang mga pagsabog at ganitong aksidente sa Nigeria, dahil sa hindi magandang estado ng mga kalsada sa lugar.