BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa Kathmandu, Nepal matapos madulas ang sinasakyang eroplano sa runway, ngayon araw lamang.
Kabilang sa mga nasawi ay ang mga on-board na Nepali at Yemen citizen, kabilang na ang mga empleyado ng paliparan.
Nag iisa lamang na nakaligtas ay piloto ng eroplano na kasalukuyang nasa ospital na.
Nangyari umano ang insidente nang madulasa ang eroplano habang it ay mag-take off, dakong 11 ng umaga (Nepal Time).
Agad din naman nagsagawa ng rescue operation ang mga otoridad.
Samantala, matatandaan na hindi lamang ito ang nangyaring airplane crash sa bansa. Noong nakaraang taon, naitala ng Bangladesh ang ‘worst plane crash’ makalipas ang higit 30 taon matapos masawi ang hindi bababa sa 68 na katao nang magkaroon ng aksidente sa Yti Airlines flight.