Kinumpirma ng Ministry of Health ng Lebanon na hindi bababa sa 15 katao ang nasawi at higit 80 ang sugatan matapos magpatuloy ang pag-atake ng mga pwersa ng Israel sa hilagang bahagi ng Lebanon, kahit na lumipas na ang itinakdang deadline para sa kanilang pag-alis.

Ayon sa mga awtoridad, pinaputukan ng Israeli forces ang mga sibilyan habang unti-unting bumabalik sa kanilang mga tahanan sa mga bayan sa kabila ng mga babala mula sa Lebanon, Israel, at United Nations (UN) na nananatiling peligroso ang rehiyon.

Sa kabila ng ceasefire deal ay nagpapatuloy pa rin ang tenisyon sa pagitan ng dalawang bansa.

--Ads--

Sa ngayon ay pinag-iingat pa rin ang mga mamamayan sa posibleng mga pangyayari sa hinaharap.