Hindi bababa sa 126 katao ang kumpirmadong nasawi sa Tibet, China matapos tumama ang 7.1 magnitude earthquake, habang nasa 188 naman ang sugatan.

Ayon sa datos ng US Geological Survey, niyanig nito ang Shigatse City ng nasabing bansa kung saan ang nasabing lindol ay may lalim na 10km at nagparanas ng mga serye ng aftershock.

Naramdaman din sa Nepal at ilang bahagi ng India ang malakas na pagyanig.

--Ads--

Bagaman karaniwan na sa rehiyon ang paglindol, subalit ito umano ang pinaka-nakamamatay na naranasan ng China sa loob ng ilang taon.