BOMBO DAGUPAN – Hindi bababa sa 11 katao ang nasawi matapos araruhin ng isang school bus ang pulutong ng mga tao kabilang ang limang estudyante, sa lalawigan ng Shandong sa bansang China.

Habang ilang iba pa ang nasugatan, kabilang ang isa na nasa kritikal na kondisyon.

Ang bus ay lumilitaw na sumalpok sa mga estudyante at mga magulang habang sila ay nakatayo sa labas ng gate ng isang paaralan sa Tai’an City.

--Ads--

Sa ulat lumalabas na nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan kung saan dinala ito sa kustodiya ng pulisya habang sinisiyasat ang sanhi ng insidente. Hindi naman malinaw kung ito ay sinadya o hindi.

Dahil dito ay umabot sa 11 ang nasawi habang ang labindalawang iba pa ay nasa stable ng kondisyon.