Nasawi ang hindi bababa sa 100 katao dahil sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa bansang Nepal.

Kung saan dose-dosenang iba pa ang nawawala noong Linggo pagkatapos ng dalawang araw ng matinding pag-ulan.

Ang mga tao ay naiwang stranded sa mga rooftop kasama ang mga manggagawang nagdadala ng mga rescuer sa mga balsa. Habang libu-libong kabahayan na malapit sa mga ilog din ang binaha at maraming mga highways ang kasalukuyang nakasara pa.

--Ads--

Sa kabila ng pagtataya ng pag-ulan, ito ay magpapatuloy hanggang Martes (October 1, 2024).

Sa kasalukuyan ay mahigit 3,000 katao na ang nailigtas ayon sa isang tagapagsalita ng gobyerno sa nasabing bansa.