BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 20 katao ang nasawa matapos maglunsad ng malawakang missile attack ang Russia sa mga lungsod ng Ukraine.

Sa kapital ng Kyiv, hindi bababa sa 7 katao ang nasawi sa isang daytime attack. Ayon sa alkalde ng lungsod, kabilang sa mga natamaan na establishimento ay ang ospital na pambata.

Hindi naman bababa sa 10 katao ang nasawi sa Kryvyi Rih, karagdagan pa ang 3 nasawi sa bayan ng Polrovsk.

--Ads--

Nabanggit din ni Health Minister Viktor Lyashko na nadamay din ang ilang establishimento ng cancer at intesive care wards sa ibang lugar.

Sinabi naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelesnky, na kasalukuyang bumibisita sa Poland, na naglunsad ng 40 missiles ang Russia at target nito ang ilang lugar sa bansang Ukraine.