Inihayag ng Alliance of United Transport Organization Province-wide (AUTOPRO) Pangasinan ang kanilang mga hinaing sa katiting na panahong ibinigay sa kanila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay pa rin sa usaping modernisasyon ng mga tradisyunal na jeepney.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Presidente ng naturang alyansa na si Bernard Tuliao, pang-apat na beses na umano silang nabigyan ng palugit ngunit hindi parin maikakaila ang kakulangan ng kahandaan ng mga daryber at operator sa naturang usapin.

Sa ngayon ay nagbigay ng panuntunan ang LTFRB sa kanilang naging pagpupulong na kung saan sa anim na buwan ay dapat 25 percent na ang nakabili ng mga modernized jeepney at ang natitirang 25 percent ay tuluyan ng mape-phase out.

--Ads--

Ito ay ang kanilang hakbang upang sa loob umano ng isang taon ay modernized na ang lahat ng mga pampasadang jeepney.

TINIG NI BERNARD TULIAO


Pagbabahagi pa ni Tuliao na magkakaroon ng bidding kaugnay rito na magaganap sa Pebrero 14 na kanilang bubuksan para sa mga interesadong aplikante para sa bagong ruta na ginawa ng LTFRB kung saan mayroon aniyang mga naidagdag at mayroon ding naibawas sa loob ng probinsya.

Aniya dahil papunta na sa modernisasyon ang mga pampublikong sasakyan ay magkakaroon na rin ng pagbabago sa mga ruta.