Mga kabombo! Mahilig ka rin ba mag-hiking?
Iyun bang balak mag-hike sa mga matataas na lugar gaya ng isang forest sa Greece?
Isang masaklap na insidente kasi ang nangyari sa isang hiker sa Fraktou forest ng Greece.
Paano ba naman kasi, hindi ito namatay dahil sa pagod, o dahil sa nawala sa patutunguhan kundi, dahil inatake siya ng oso.
Ayon sa ulat, kinilala ito na si Christos Stavrianidis, isang kilalang explorer sa bansa.
Lumalabas umano na itinulak ito ng oso hanggang sa nahulog ang hiker sa ilalim ng 2,600-foot na bangin noong June 9.
Base sa salaysay ng kasamahan nitong beteranong hiker na si Dimitris Kioroglou, inatake sila ng isang malaking oso habang naglalakad sa gubat.
Nakaalalay umano ang kanyang aso at nagawa niyang gamitin ang pepper spray upang mapataboy ang oso, kaya napagbalingan ng oso si Stavrianidis na naubusan ng bear spray.
Paliwanag ng wildlife expert na si Panos Stefanou mula sa grupong Arcturos, posibleng depensa lamang ng oso ang ginawa nito at hindi direktang pag-atake, dahil kadalasan ay nagiging agresibo ang mga hayop kapag pakiramdam nilang may banta sa kanilang paligid.
Ang dalawang hiker ay magtutungo sana sa lugar ng isang bumagsak na Greek warplane mula pa noong World War II. Natagpuan ni Stavrianidis ang wreckage ng eroplano noong nakaraang taon at plano sana niyang gawin mas accessible ito sa mga nais bumisita.