Umabot na sa 579, 176 na katao o katumbas ng 162,501 na mga pamilya ang nananatiling apektado matapos ang naging hagupit ni Bagyong Basyang sa bansa.
Batay sa pinakabagong ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 15,000 na pamilya o katumbas ng 55,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers habang 7,000 pamilya naman ang nasa labas ng mga evacuation at pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kaibigan o kapamilya.
Nasa 12 naman ang napaulat na nasawi kung saan 6 ang nakumpirma na habang 6 na iba pa ang nananatiling under validation ng dead and missing cluster at 36 naman ang naitalang sugatan dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng baha at dahil na rin sa landslides sa parte ng Mindanao.
Samantala, dahil sa mga naiwang pinsala ng bagyo nananatiling kanselado ang klase sa halos 500 paaralan sa MIMAROPA, Western Viasayas, Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at CARAGA.
Nananatili namang nakaantabay ang NDRRMC sa iba pang assessments habang nagpapatuloy din ang pagaabot ng tulong sa nga apektadong residente sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).










