Nakumpiska ang nasa P63,000 na halaga ng allegedly smuggled na mga sigarilyo na ibinebenta online matapos magsagawa ng entrapment operation ang Pangasinan Provincial Cyber Response Team katuwang ang Bureau of Internal Revenue personnel.
Ayon kay Pcpt. Sharmaine Jassie D. Labrado Team Leader, Pangasinan Provincial Cyber Response Team regular na nagsasagawa ng cyberpatrolling online ang kanilang opisina at napansin ang isang posts na nagbebenta ng mga sigarilyo online.
Kung saan ang ginagamit na account ng mga ito ay isang personal account at hindi dummy account kaya’t agad na nakita ang suspek.
Nagmula naman sa eastern part ng lalawigan ang mga ito at ibinebenta sa mga karatig bayan.
Dahil sa isinagawang operasyon ay natukoy din na ang nakumpiskang apat na boxes ng sigarilyo na naglalaman ng 174 rims ay may iba’t ibang brands na maaaring hindi otorisado.
Bagama’t ay nagsasagawa pa ng case build up ang kanilang opisina upang matukoy ang mastermind sa likod nito kaya’t hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
Subalit mahaharap naman ito sa violation ng Republic Act 8424 at iba pang mga kaugnay na kaso.