Nasamsam ang humigit-kumulang kalahating kilo ng ilegal na droga na tinatayang aabot sa higit P3 milyon piso sa syudad ng Urdaneta matapos ang isinagawang buy-bust operation ng PDEA Pangasinan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Retchie Camacho – Provincial Officer, PDEA Pangasinan nakumpiska ang nasabing droga sa hindi na pinangalanang suspek kung saan lumalabas na hindi lamang sa nasabing syudad isinasagawa nitong ang ilegal na aktibidad bagkus ay pati sa mga karatig bayan sa lalawigan.
Dahil matagal-tagal na minanmanan ito ay inaalam pa kung sino-sino ang mga sangkot sa aktibidad.
Bukod dito ay may mga tauhan din ang suspek na masasabing runner o taga deliver ng mga panindang ilegal na droga nito sa iba’t ibang lugar.
Kasama sa nakumpiska dito ay ang buybust money, mga cellphones, illegal drug transactions at samo’t saring mga drug paraphernalia.
Sa kasalukuyan ay nasa crime laboratory na sa La Union ang mga nakumpiska maging ang suspek ay dadaan naman sa drug test.
Nagpaalala naman si Camacho sa publiko na kapag may napansin na ilegal na aktibidad o krimen sa lugar na kinaroroonan ay ipagbigay alam agad sa himpilan ng pulisya upang mabigyan ng aksiyon.