Aabot sa higit 200 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 1.3 milyong pisong ang nasabat sa isinagawang buy- bust operation sa Barangay Nencayasan sa lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay Provincial Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan na si Agent Rechie Camacho na maituturing na miyembro ng malaking sindikato ang dalawang high value target suspek na tubong Pasig City kung saan nasa aabot ang halaga ng naturang droga ng P1,360,000.
Aniya na ang mismong nasa likod ng pagutos sa mga suspek na maideliver ang shabu ay nakapiit sa New Bilibid Prison.
Paglilinaw naman nito hindi maituturing na “bagsakan” ng ilegal na droga ang naturang lungsod bagkos ay sa tulong lamang anila ng kanilang masusing transaksyon sa mga suspek ay napapayag ang mga ito na dalhin ang mga hinihinlaang shabu sa Urdaneta City.
Nasamsam din sa operasyon ang isang mobile phone, isang motorsiklo, ilang identification card, at ang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 26 (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isasampa laban sa mga suspek.
Dagdag pa nito na tuloy-tuloy pa ang kanilang isinasagawang follow up operation ukol rito.
Paglalahad pa nito na dahil mas lumuwag na ang pandemya ay mas malaya nang nakakapagsasagawa ng mga ganitong klaseng transaksyon ang mga indbidwal na nasasangkot sa pagbebenta at pagbili ng mga ilegal na droga.
Pagtitiyak naman nito na mahigpit din ang kanilang pakikipaguganyan sa iba’t ibang ahensya para maging drug free ang lalawigan at gayundin ang matigil ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.