Higit kalahating milyon na halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Calasiao, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Inaresto and suspek matapos bentahan ang operatiba ng 100 gramo ng hinihinalang shabu sa Brgy. Nalsian sa naturang bayan.

Nakumpiska rin sa naturang suspek ang sari-saring gamit sa droga at Isang pirasong genuine 1000 peso bill at 399 piraso machine copy ng 1000 pesos na ginamit bilang buy bust money.

--Ads--

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng awtoridad laban sa nahuling suspek.