Mahigit isang libong tao ang nagkaproblema sa paghinga matapos tumama ng sandstorm sa gitna at timog ng Iraq, ayon sa mga opisyal ng kalusugan.

Sa Muthanna province, iniulat ang 700 kaso ng hirap sa paghinga, ayon sa AFP.

Makikita sa mga video online ang makapal na orange na alikabok, habang naiulat din ang brownout at kanselasyon ng mga biyahe sa ilang lugar.

--Ads--

Bagamat karaniwan ang mga sandstorm sa Iraq, naniniwala ang ilang eksperto na mas dumadalas ito dahil sa climate change.