Tinatayang nasa higit isang daang bahay ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kaninang tanghali sa kahabaan ng sitio riverside, Arellano St. Barangay Pantal dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa initial na imbestigasyon ay tTinatayang nasa higit dalawang daang pamilya o tatlong libong indibiduwal ang naapektuhan ng sunog.

Wala namang namatay o nasugatan sa nangyaring sunog.

--Ads--

Nagsimula ang sunog bandang 12:15 kaninang tanghali.

Agad namang nakipag coordinate ang mga personnel ng Dagupan CPS BFP Dagupan City at mabilis na rumisponde sa sunog kasama ang PANDA, CDRRMC , POSO Dagupan at mga volunteer mula sa mga karatig bayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog bagamat lumalabas sa initial na imbestigasyon na faulty ectrical wiring ang sanhi ng sunog.

Tiniyak naman ni city mayor Brian Lim na tutulongan ang mga apektadong pamilya.

City mayor Brian Lim