DAGUPAN CITY- Dinaluhan ng mahigit 700 mga bagong professional nurses ang kanilang oath taking ceremony ngayon araw na ginanap sa Leisure Coast sa Brgy. Bonuan Biloc, sa syudad ng Dagupan.

Ayon kay Atty. Arl Ruth Sacay-Sabelo, Regional Director R1-PRC, pinagunahan ng Pangasinan Nurses Association Pangasinan Chapter Region 1 bilang pagsuporta ng kanilang industriya sa mga bagong nurses ng bansa.

Aniya, inaasah nilang maibigay nila ang kanilang serbisyo sa Pilipinas upang matugunan ang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan ng ating bansa ng karagdagang health workers.

--Ads--

Ibinahagi rin niya ang tuwang nararamdaman dahil maraming mga bagong nurses sa lalawigan ng Pangasinan.

Maliban pa riyan, kabilang din sa mga Top notchers ang isang new professinal nurse na mula sa Urdaneta City University.

Ito ay isang patunay na kayang kaya nila na makipagsabayan at manguna sa mga board exam.

Samantala, nagagalak rin si Dr. Emer Bondoc, National President ng PNA, INc. na mai-welcome ang mga bagong nurse.

Aniya, itinuturing ang oathtaking na pinaka-culmination ng lahat ng paghihirap ng mga newly registered nurses.

At kung titignan rin, isang symbolic representation ang oathtaking dahil kanilang bibitbitin dito ang kanilang mga responsibilidad bilang health workers.

Samantala mamamahagi din ang PNA ng suporta sa isang napabilang sa mga topnotchers ng nursing licensure examination.