BOMBO DAGUPAN- Higit 70 katao ang nasawi sa 4 na pag-atake sa Balochistan Province sa Southwestern Pakistan.
Ayon sa militar ng bansa, 14 mga sundalo at kapulisan, at maging 21 militante ang nasawi sa nasabing pag-atake ng mga armadong grupo.
Aniya, ito ang pinakamalaking pag-atake kung saan inatake ng mga ito ang mga sasakyan sa major highway sa bayan ng Bela sa Lasbela district.
Sa hiwalay naman na pag-atale sa Musakhel district, hindi naman bababa sa 23 na mga sibilyan ang nasawi matapos umatake ang mga armadong grupo sa Punjab, kung saan sinilaban ng mga ito ang 35 na mga sasakyan.
At sa Kalat naman, 10 ang katao ang naitalang nasawi kung saan 5 dito ay mga kapulisan at ang natitira ay mga sibilyan. Ito ay matapos atakihin ang isang police post at isang highway.
Sa kaparehong araw, sinuspinde ang rail traffic kasama ang sudad ng Quetta kasunod ng pagsabog sa isang rail bridge sa bayan ng Bolan, kung saan kumokonekta ito sa provincial capital at sa natitirang bahagi ng Pakistan, gayundin sa riles na kumokonekta sa kalapit ng Iran.
Sinabi ng mga kapulisan na natagpuan nila ang anim na hindi pa nakikialalang mga labi malapit sa pinagyarihan ng pagsabog.