BOMBO DAGUPAN – Umaabot sa higit 70 katao ang nasawi sa isang air strike ng Israeli sa isang paaralan na kumukupkop sa mga lumikas na Palestinian sa Gaza City.

Ayon kay Fadl Naeem, head ng al-Ahli Hospital mahirap matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima dahil sa strike.

Ayon sa tagapagsalita ng Israeli military, ang al-Taba’een school ay nagsisilbing active Hamas at Islamic Jihad military facility, na pinabulaanan ng Hamas.

--Ads--

Umani ng batikos mula sa Western Powers at ng regional countries ang isinagawang strike na sinasabing ito ay pagpapakita na walang balak ang Israel na maabot ang isang tigil-putukan o wakasan ang digmaan sa Gaza.

Ilang shelters na sa Gaza ang inatake ng ng Israel sa nakalipas na ilang linggo.

Ayon sa United Nations, 477 sa kabuoang 564 school buildings sa Gaza ang direktang natamaan o nasira dahil sa strike noong July 6.

Ang paaralang Al-Taba’een ay may naninirahan na higit sa 1,000 katao.

Kamakailan ay tumanggap ito ng mga dose dosenang displaced na katao mula sa bayan ng Beit Hanoun, makaraang iutos ng Israeli army na lisanin ang kanilang bahay.