Higit 600 pilgrims sa Iraq ang naospital na may ‘respiratory problems’ matapos makasinghot ng chlorine mula sa isang leak sa water treatment station.
Nangyari ang insidente buong gabi sa daanan sa pagitan ng syudad ng Najaf at Karbala.
Ayon sa health ministry ng Iraq, umabot na sa 621 kaso ng aphyxia ang kanilang naitala kasunod ng chlorine gas leak sa Karbala.
--Ads--
Anila, nakatanggap na rin ng agarang pangangalaga ang mga biktima at nakalabas ng ospital na nasa magandang lagay na.
Karamihan ng imprastraktura sa Iraq ay wala na sa magandang kaayusan dulot ng dekadang kaguluhan at kurapsyon.