Dagupan City – Nakatanggap ng Fertilizer Discount Voucher mula sa Department of Agriculture (DA) sa anim na daan at labing-isang (611) magsasaka sa bayan.

Pinangunahan ito Tayug Mayor Tyrone Agabas katuwang si Tayug Vice Mayor Lorna Primicias kasama din ang kinatawan ng Municipal Agriculture Office at iba pang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura sa bayan.

Layunin ng pamamahagi na mas mapabuti ang kapakanan ng mga magsasaka sa bayan lalo pa’t nakaranas ng tag-tuyot sa ilang sakahan sa bayan noong nakalipas na buwan dahil sa El NiƱo Phenomenon.

--Ads--

Binigyang-diin din sa programa ang mahalagang gampanin ng sektor ng mga magsasaka sa patuloy nilang pagsasaka upang magkaroon ng seguridad sa pagkain sa bayan at sa bansa.

Dumalo rin dito si Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas kung saan ay ipinaabot niya ang mensahe sa ganitong programa na magpapagaan sa mga gastusin ng mga magsasaka sa paggamit ng pataba at ilan pang pangagailangan sa kanilang palay production. Isa lamang ito sa mga programa ng gobyerno upang maiangat ang antas ng pagsasaka sa bayan na mas matutukan pa ang sektor ng magsasaka at agrikultura sa bansa.