Inasistehan ng Philippine Red Cross (PRC) ang kabuuang 6,208 indibidwal sa kasagsagan ng paggunita ng Biyernes Santo, Abril 3.
Sa pinakahuling datos ng PRC kaninang alas-singko ng hapon, mayorya ng mga kaso o nasa 5,682 indibidwal ay sinuri ang vital signs at sumailalim sa blood pressure monitoring.
Nirespondehan din ng PRC ang 498 minor injuries at 22 major medical emergencies.
Ayon sa PRC, mayroong 1,405 staff at volunteers ang naka-deploy sa ground kabilang na sa transport hubs, pilgrimage sites at major highways.
Naka-high alert din ang 73 ambulances, 341 First Aid Stations at 63 Welfare Desks, 75 Foot Patrols kasama ang specialized units gaya ng mobile clinic at rescue boat para matiyak ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng pag-obserba ng Semana Santa.










