Dagupan City – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 480 na mga magulang/guardians ng mga mag-aaral na kabilang sa grade 12 Senior High School working students mula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bayan ng Pozorrubio.

Ang inisyatibanmg ito ay sa ilalim ng AYUDA PARA SA KAPOS ANG KITA PROGRAM (AKAP) nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, House Speaker Ferdinand Martin RomualdeZ.

Kung saan layunin nito na tulungan ang publiko na kumikita ng mas mababa pa sa provincial minimum wage.

--Ads--

Dinaluhan naman ito ni Pozzorubio Mayor Kelvin T. Chan katuwang ang Sangguniang Bayan Members.

Ipinaabot naman ng lokal na pamahalaan ang kanilang pasasalamat sa benepisyong natatanggap mula sa pamahalaan.