Mga kabombo! Hindi pa tapos ang trick or treat!
Dahil isa kasing shopping mall sa Dorchester, England, ang nagtangkang masungkit ang world record sa pamamagitan ng pagtipon ng mga tao na naka-costume ng ghost o multo!
Ayon sa ulat, ito na ang kalawang attempt na ng shopping mall na Brewery Square Dorchester upang makapagtala ng Guinness World Record para sa titulong “Largest Gathering of People Dressed as Ghosts”.
Ang kanilang naunang attempt ay noong Halloween 2023, ngunit umabot lamang ito sa 204 na kalahok dahil sa malakas na ulan.
Sa aktibidad, nagkaroon ng live music at sayawan para sa mga dumalo. Bagama’t mas mataas ang naitala ngayong taon, sa kasamaang palad, hindi na naman na-achieve ng Brewery Square ang record dahil 346 na katao lamang din ang dumalo.
Ayon sa kanilang official Instagram account, kinulang ang participants para matalo ang kasalukuyang record holder.
Ang kasalukuyang record ay may 1,024 katao at naitala ito sa Japan noong Agosto 2023. Ngunit bago ito, hawak ng Mercy School Mounthawk sa Tralee, England, ang record na may 560 katao noong 2017.