Nakapagtala ng higit 30 Firecrackers related injuries sa lalawigan ng Pangasinan sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon sa datos mula sa Provincial Health Office, mula December 21, 2020 hanggang Jan 3, 2021, ay 34 na kaso ang naitala sa buong probinsya.

Kumpara noong nakaraang taon, 84 na kaso ang naiulat na biktima ng paputok na 60% na mas mababa sa nabanggit na bilang ngayong taon.

--Ads--

Pinakabatang biktima ngayong taon ay isang 2 taong gulang na lalake mula sa bayan ng Calasiao at ang pinakamatanda ay isang 57 anyos na lalake mula sa lungsod ng Dagupan.

Karamihan sa mga naturang kaso ay naputukan ng kwitis at sa kabuuan 18 sa nabanggit na kaso ngayon taon ay hindi mismong nagpaputok o nadamay lamang.

Sa nasabi ding bilang, pinakamaraming naitala sa bayan ng Manaoag (3) at lungsod ng Dagupan (7).

Samantala, 3 katao naman ang naitalang biktima ng stray bullet na mula sa Alcala, Calasiao, at Dagupan City.