Umabot na sa mahigit 200 ang bilang ng mga tao sa Myanmar na nasawi pagkatapos ng Bagyong Yagi, at halos 80 pa ang nawawala, ayon sa pamahalaang militar ng nasabing bansa.

Ang bagyo ay dumaan sa hilagang Vietnam, Laos, Thailand at Myanmar noong nakaraang linggo, na ikinamatay ng higit sa 500 katao sa buong rehiyon.

Nagdulot ito ng matinding pagbaha at mudslide, na nag-iwan ng hindi bababa sa 226 na pagkasawi .

--Ads--

Paalala naman ng United Nations na tinatayang 631,000 katao ang naapektuhan ng pagbaha kung saan may mga baradong kalsada, mga nasirang tulay at mga naputol na linya ng komunikasyon, na siyang nakahadlang sa mga pagsisikap na pagtulong sa mga nasalanta.

Bukod dito ay mayroon ding kaunti o walang access sa maraming bahagi ng bansa, kabilang ang Shan State na isa sa pinakamatinding tinamaan ng pagbaha.