Mga kabombo! Tila record breaking ang nangyari sa isang school sa Needham, Massachusetts!
Ito’y matapos na makapagtala nang pinakamaraming kambal na sabay-sabay nagmartsa sa kanilang middle school graduation.
Ayon sa ulat, ito ay maituturing na isang kamangha-mangha sa Pollard Middle School na may mga pares ng kambal sa bawat grade level.
Paano ba naman kasi, tuwing end ng schoolyear, mayroong lima hanggang 10 pares ng mga kambal na nagtatapos sa pag-aaral.
At ngayon ngang 2024, tila mas dumami at nadagdagan pa ang bilang!
Ayon sa school principal na si Tamatha Bibbo, maraming residente ng Needham ang napahanga nang malaman na 10 percent ng graduating class nila ay twins.
Sa 454 na magtatapos ng middle school, 46 dito ay pares ng kambal. Dapat ay 48 ito ngunit ang isang pares ay nagkahiwalay ng school.
Sa panayam sa mga estudyante ng Pollard Middle School, marami sa mga ito ay nagulat na ilan pala sa kanilang mga kamag-aral ay magkakambal, karamihan kasi sa mga ito ay fraternal twins o yung mga kambal na hindi magkamukha.