DAGUPAN CITY- Mahigit 1,700 magsasaka sa bayan ng Manaoag ang nakinabang sa tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) program.

Umabot sa ₱12,523,000 ang kabuuang halaga ng ayuda na ipinamahagi sa 1,789 benepisyaryo, na tig-₱7,000 bawat isa.

Ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka na may 0.5 hanggang 2 ektaryang taniman ng palay.

--Ads--

Layunin ng RFFA program na mabigyan ng suporta ang mga maliliit na magsasaka na naapektuhan ng rice tariffication law, mataas na gastos sa pagsasaka, at iba pang hamon sa sektor ng agrikultura.

Dahil dito, Ipinahayag ng DA ang patuloy na pagsuporta sa mga programang magpapalakas sa lokal na produksyon ng bigas at tutulong sa mga magsasaka.