DAGUPAN CITY- Umabot sa 1,493 na mga estudyante sa bayan ng San Nicolas ang nakinabang sa programang pang-edukasyon mula sa kanilang pamahalaan.
Naghatid ng ligaya at napuno ng pasasalamat ang lugar dahil sa isinagawang pamamahagi ng tulong pinansyal.
Pagpapakita naman ito ng dedikasyon ng pamahalaan ng bayan at mga kinatawan nito sa pagpapaunlad ng edukasyon sa San Nicolas.
--Ads--
Inaasahan na mag uudyok ito sa mga mag-aaral na magpatuloy sa kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang pangarap.