Matagumpay na isinagawa ang ikatlong araw ng pamamahagi ng libreng jetmatic pumps at galvanized iron (GI) pipes sa bayan ng Mangaldan.

Pinangunahan ito ni Mangaldan Mayor Bona Fe de Vera-Parayno kung saan ay nasa aabot sa 127 pamilya ang makikinabang at magkakaroon ng mas malinis na mapagkukuhanan ng tubig partikular na sa Barangay Gueguesangen sa nasabing bayan.

Pinangasiwaan naman ito ng Community Affairs Office (CAO) katuwang ang iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan.

--Ads--

Samantala, para naman sa mga nagnanais magkaroon ng libreng jetmatic pumps at deepwell pipes bukas aniya ang tanggapan ng LGU Mangaldan mula lunes ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Habang ihanda naman ang mga kinakailangang mga dokumento.

Kumuha ng petition letter mula sa Community Affairs Office, Kinakailangan na apat o higit pang kabahayan ang gumagamit ng jetmatic pump, Printed copy ng mga larawan ng lumang jetmatic pump, at Photocopy ng Valid ID ng main petitioner.