Dagupan City – Tumanggap ang higit 1,000 beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program ng financial assistance sa bayan ng San Fabian.

Ayon sa senior citizen at beneficiary na si Bee Villasista Fernandez, malaking tulong umano ang mahigit 4000 pesos na financial assistance na kanyang natanggap sa nasabing programa.

Mag-isa na lamang kasi umano siyang bumubuhay sa sarili matapos nang mamayapa ang kanyang dalawang anak.

--Ads--

Nangyari naman ang pamamahagi matapos ang isinagawang ribbon cutting at inauguration ng Super Health Center sa bayan.

Pinangunahan naman ni Sen. Bong Go ang pamamahagi katuwang sina Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, 4th dist. Congressman Christopher de venecia, Alkalde at bise alkalde sa bayan, mga board members, lokal na opsiyal ng bayan at barangay officials.

Dumalo rin ang hanay ng kapulisan na siyang nagsiguro ng kaligtasan at maayos na trapiko sa lugar.

Ang TUPAD ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pilipinas na may layuning magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga nawalan ng kita o mga displaced workers.

Ito ay magsisilbing agarang tulong sa mga nangangailangan ng hanapbuhay sa pamamagitan ng mga community-based na proyekto o gawain.