Dagupan City – Nabahagian ng tulong mula sa Rotary Club of Dagupan Cluster 2B ang higit 100 mga Senior Citizens sa Barangay Pogo Grande sa Dagupan City.

Ayon kay Dr. Nathaniel Floyd Alipio, Assistant Governor ng Rotary Club of Dagupan Cluster 2B, isinasagawa ang aktibidad hindi lamang sa syudad kundi sa buong panig na mayroong Rotary Club.

Aniya, ito ay inisyatiba sa ilalim ng simultaneous kick-off project, at isa sa nabunot na barangay sa Dagupan ay ang Pogo Grande.

Layunin ng inisyatibang ito na mapasaya ang mga elderly at mga senior citizen kung saan ay mahahandugan sila ng libreng bigas, refeshments, at legal consultations.

--Ads--

Dagdag pa rito ang katuwang na serbisyong 3 in 1 ni Congressman Christopher De Venecia na Dental, Medical, at Optical.
Kaugnay nito ay umantabay naman ang Pogo Lasip Elementary School,
Regional Maritime Unit 1, Pangasinan Maritime at PNP Dagupan.

Samantala, ipinaabot naman nina Barangays Senior Citizens association Pogo Grande President Isabel Macasieb at Vice President Raymundo “Rudy* Ramos ang kanilang pasasalamat sa mga ito dahil sa tulong at inisyatibang tiyak na makakatulong sa kanila.