Sinimulan ng mga pulis sa Ottawa ang pag-aresto sa mga nagpoprotesta at paghila ng mga sasakyan sa pagsisikap na buwagin ang tinatawag na “freedom convoy” na nagparalisa sa kabisera ng Canada sa loob ng ilang linggo.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Ruth Marie Magalong na dahil sa hindi pa rin natatapos ang protesta sa Ottawa ng mga residente laban sa mandatong pagbabakuna ay nagdeklara na si Prime Minister Justin Trudeau, ng isang national emergency.

Matatandaang na pagsapit ng Biyernes ng gabi, hindi bababa sa 100 katao ang naaresto, karamihan sa mga naaresto ay dahil sa kanilang pagharang sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.

--Ads--

Aniya na inaakusahan ng pulisya ang mga nagpoprotesta na ginagamit ang mga bata bilang panangga sa pagitan ng mga linya ng mga opisyal at lugar ng protesta.

Hindi lamang ito umano usapin ng pagrerequire sa mga truckers na dapat sila ay mabakunahan bagkos ay pangkalahatang isyu ng karapatan ng mga residente na mamili.

Hiling nito ang tuluyang pagkakaroon ng pagkakaisa at pangunawa sa pagitan ng oposisyon at gobyerno na aniya ay dapat nang makamit lalo na at ang Canada ay bansang kilala dahil sa pagiging makabayan ng bawat residente dito.

TINIG NI RUTH MARIE MAGALONG