Dagupan City – Dumalo ang higit 1 Milyong katao sa Boston Celtics Championship parade.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ng isa sa nakilahok sa isinagawang parada na si Harold Villarosa Mortel, Bombo International News Correspondent sa Boston, kakaibang experience ang naramdaman at naranasan ng mga ito sa pagdaraos ng selebrasyon.

amdam na ramdam kasi aniya ang kagalakan at kaayusan sa kasagsagan ng mga aktibidad kung saan ay kahit nasa kaniya-kaniyang duck boat ang mga NBA Players ay pinaulanan pa rin ang mga ito ng champaigne.

--Ads--

Bagama’t mainit sa mga oras ng parada, hindi naman ito naging alintana ng mga residente at supporter’s ng Celtics dahil punong-puno at isinara na ang mga kalye sa bawa’t lugar na daraanan ng mga ito.

Samantala, bagama’t bigong makamit ni Jason Tatum ang pagiging MVP o Most Valuable Player para sa NBA Finals 2024 dahil sa ipinakita nitong double double performance na may kabuo-ang 31 points, 8 rebounds, 11 assists, at 2 steals, tinawag pa rin itong MVP ng mga tagahanga.

Kung matatandaan ay muling nakamit ng Boston Celtics ang kampyeonato matapos ang 16 na taon na huling laban sa koponan ng Los Angeles Lakers.

At sa eksaktong pagkakataon hunyo 17, 2024 sa pangunguna ni Boston Celtics coach Joe Mazzulla naiuwi ng koponan ang Larry O’Brien Championship Trophy.