Dagupan City – Dapat bantayan ang Higher-level ng teknolohiya sa nalalapit 2025 Election.

Ayon kay Wilson Chua, Managing Director at Co-Founder ng BITSTOP Inc., mahihirapan ang publiko partikular na ang bansa sa mga ganitong usapin lalo na kung hindi pa gaanong marunong ang magde-determine.

Aniya, kung mapapalawig pa kasi ang paggamit ng AI gaya na lamang ng pag-iral sa ibang mga bansa ng deepfakes tuwing election, maaring humantong ito sa nangyari sa kanila na namanipula ang publiko.

--Ads--

Gaya na lamang ng paggamit ng deepfake sa isang late president, kung saan ay lumalabas na mistulang ikinakampaniya nito ang isang kandidato.

Dahil sa deepfake, maaring ilapat ang isang mukha sa isang indibidwal na may kakayahang manggaya ng boses maski ang kilos ng isang tao.

Binigyang diin naman nito ang sinabi ng kinilalang si Alexander Nicks na hindi na kinakailangan pang maging totoo kung ang publiko naman ay maaring maniwala sa ipinapakita.

Nauna nang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas ito ng mga panuntunan para i-regulate ang paggamit ng artificial intelligence at ipagbawal ang deepfakes sa 2025 midterm elections na may layuning mabigyan ng patas na trato ang lahat ng kakandidato sa darating na eleksiyon.