Arestado ang isang high value target drug personality sa isinagawang ang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA kagabi sa barangay Nancayasan sa lungsod ng Urdaneta.

Sa exclusive interview kay PDEA Provincial Officer Investigation Agent V Rechie Camacho, kinilala ang naaresto na si Charlito Tandoc, residente ng bayan ng Calasiao.

Noong isagawa ang transaction ay kasa – kasama niya ang kanyang live in partner na nakilala na si Carla Pascua.

--Ads--

Nakuha sa suspek ang buy bust money na higit P6,000, humigit kumulang na 1 gramo ng pinaghihinalaang shabu, 1 sling bag, cellphone at motorsiklo na ginagamit sa illegal drug transaction.

Matagal na umanong minomonitor ang suspek na sinasabing problema sa kanilang lugar at sa tulong ng kanilang confidential na impormante ay naisagawa ang transaksyon.

Nabatid na nakulong na ito dati at inaalam kung paano siya nakalabas.

Sinabi ni Camacho na dumayo pa ito sa lungsod ng Urdaneta kaya inaaalam nila kung gaano kalawak ang kaniyang area of operation at base sa kanilang nakuhang impormasyon ay may mga customer pa ito na nanggagaling sa ibang probinsya partikular sa La Union.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga otoridad kung saan ang pinanggagalingan o pinagkukuhanan nito ng suplay ng illegal na droga.