Arestado ang high value individuwal sa region 1 sa isinagawang buybust operation sa bayan ng Bolinao.
Ayon kay PCPT Rowell Isit, team Leader ng Team 2 – PDEG Pangasinan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kinilala ang naaresto na si Alyas Joel Dollaga, alyas Marie, 54 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 5, Barangay Luciente 2.0, sa bayan ng Bolinao.
Naaresto ito sa bisa ng Search Warrant kaugnay ng paglabag sa RA 9165 .
Nakumpiska sa kanya ang humigit-kumulang dalawampu’t limang (25) gramo ng hinihinalang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng isang Daang Pitumpung Libong Piso (₱170,000.00).
Sinabi ni Isit na ang suspek ay target na personality sa region 1.
Matagal din umanong minanmanan at minonitor ang suspek bago ang pag aresto sa kanya.
Kasalukuyan na itong nakakulong sa Bolinao Municipal Police station habang hinihintay ang commitment order mula sa Regiobal Trial Court sa lungsod ng Alaminos.










