DAGUPAN CITY- ‎Tuloy-tuloy ang pagtaas ng tubig sa ilang bahagi ng Dagupan City bunsod yan ng gravitational forces na ipinapalagay ay tuwing tatapat ang buwan sa mga karagatan ng lungsod.

‎Dahilan kaya’t naapektuhan ang lungsod lalo na’t hatch basing ang Dagupan at napapalibutan ng pitong river systems kaya’t madalas bahain ang ilang kalsada rito.

‎Sa kasalukuyan, 12 barangay ang mahigpit na minomonitor ng mga awtoridad dahil sa epekto ng high tide.

--Ads--

‎Ayon sa head ng Public Alert Response and Monitoring Unit ng lungsod na si Melykhen Bauzon, bahagi na ng paghahanda ng mga residente ang pre-emptive measures tuwing ganitong panahon.

Nagbabala rin ang ahensya na posible pang umabot sa 1.5 metro ang taas ng tubig sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo, tataas pa yan lalo na kung sasabayan ito ng malakas na ulan o bagyo.

‎Kaugnay nito, muling ipinaalala sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagbabara ng mga kanal na nagdudulot ng mas matinding pagbaha.

‎Paalala rin ni Bauzon sa mga residente na magsuot ng proteksyon gaya ng bota tuwing lulusong sa baha upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng maruming tubig.