Kulong ang isang High School Principal kasama ang kapatid nito matapos ang matagumpay na buy bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad sa bayan ng Alcala, Pangasinan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, ang pagkakahuli sa magkapatid na suspek na sina Winy Dumlao, isang aktibong high school principal sa bayan ng Villasis at Victor Dumlao.

Aniya, kapwa kabilang sa High Value Target (HVT) list ang mga ito at dati naring may kinakaharap na kaso kung saan ang isa sa mga ito ay may dati ng kinakaharap na kaso may kaugnayan sa iligal na droga habang ang isa naman ay nahaharap sa kasong homicide.

--Ads--

Sa pinagsanib aniya na puwersa ng PDEA Region 1, PDEA Pangasinan at Alcala PNP, nahuli sa buy bust operation ang magkapatid sa Brgy. San Nicolas sa nasabing bayan kung saan nakuha sa kostudiya ng mga ito ang humigit kumulang anim na gramong shabu na nagkakahalaga ng 40,800; ginamit na buy-bust money at isang cellphone.

Kinumpirma naman ni Camacho, na matagal rin nilang isinailalim sa souvielance ang mga suspek.

Kasalukuyan parin aniya nilang inaalam kung gaano kalawak ang operasyon ng magkapatid at iba pang mga personalidad na kasabwat ng mga ito.

Sa ngayon aniya ay inihahanda na ang mga kasong kakaharapan ng mga ito dahil bukod sa pagbebenta ng iligal na droga at nasa impluwensya din ang mga ito ng mahuli.