Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng higanteng chicken! Makikita kasi sa bayan ng Campuestohan sa Negros Occidental ang napaka-unique at napakalaking landmark na isang gusali na hugis higanteng tandang o manok na panabong.
Dahil dito, instant tourist spot ang bayan! Paano ba naman kasi, may tangkad itong 34.931 meters o katumbas ng 114 ft at 12.127 meters o katumbas ng 39 ft ang lapad, at 28.172 meters o kaumbas ng 92 ft 5 ang laki.
Ang aerial view ng tandang o mas kilala sa kalapit na Campuestohan Highland Resort ay kitang-kita kung gaano kalaki ang manok!
Nabigyan din ito ng pagkilala sa Guinness World Records bilang “largest building in the shape of a chicken.”
Kinilala naman ang may-ari nito na si Ricardo Tan. Si Tan ay may layuning lumikha ng isang bagay na “unthinkable.”
Napatunayan din nito na kakaiba ang kaniyang nagawa dahil, sa loob ng tandang ay isa pala itong resort!
Bawat kuwarto ay kumpleto sa air conditioning system, may komportableng kama, malaking TV set, at hot shower.
Ideal ito para sa mga pamilya o grupo na gustong mag-relax o kaya ay mag-unwind.
Nang tanungin naman si Tan kung bakit hugis-tandang ang gusali, ani Ricardo, “Negros Occidental has a game fowl industry that employs millions of people in the Philippines.
Ang lupang pinagtayuan ng resort ay nabili ng asawa ni Ricardo na si Nita noong 2010.
Nagulat umano silang mag-asawa matapos linisin ang property dahil meron pala itong napakagandang view ng kabundukan.