Mga Kabombo! Takot ka ba sa mga gumagapang na mag insekto’t mga hayop?

Paano na lamang kung naka supersize pa ang iyog makita?

Sa haba kasi na umaabot umano ng hanggang siyam na pulgada at mas mataba pa sa daliri ng tao, kinatatakutan ng mga hiker na makaengkuwentro ng mga higanteng alupihan sa kagubatan ng Negros Occidental dahil na rin sa panganib na maaaring idulot nito sa makakagat.

--Ads--

Mala-“David and Goliath” ang eksena nang magpagulong-gulong ang higanteng alupihan at ahas. Bagaman mas mahaba ang ahas, mas malakas naman daw ang alupihan.

Ayon sa hiker na si Paolo Oliveros, makikita rin ang mga malalaking alupihan sa kabundukan ng Negros. Nocturnal ang mga alupihan o mas aktibo sa gabi, at naninirahan sa ilalim ng mga bato.

Gayunman, bihira na umanong maabot ng mga higanteng alupihan ang kanilang dapat na laki dahil na rin sa pagdami ng banta sa kanila at kanilang mga tirahan.

Ngunit sa kanilang paglilibot sa kagubatan ng Negros, hindi agad isang higanteng alupihan ang bumungad sa kanila sa ilalim ng isang bato, kundi isang Tarantula na may matulis, mahaba at makamandag na pangil na panlaban nito sa mas malalaking hayop.

Samantala, nakita rin ang isang higanteng alupihan sa mga batuhan, na tila mas mataba pa sa mga daliri, at may habang walong pulgada.
Sa isa namang puno, isang Dupong o Philippine Pit Viper ang nagpakita.

Mga arboreal o madalas sa mga sanga ng puno naninirahan ang mga Philippine Pit Viper, na cytotoxic o maaaring makasira ng tissue ng tao at posibleng humantong sa pagkamatay dahil sa kamandag nito.

Ngunit sa Pilipinas, wala pang naitalang binawian ng buhay dahil sa pagkakatuklaw ng Philippine Pit Viper.